96

By

Lalaking naglagay ng camera sa sapatos para mamboso, sabog ang paa sa baterya

Sharing is caring!

Napurnada ang paninilip ng isang 32-anyos na lalaki gamit ang isang “shoe camera” matapos sumabog sa paa niya ang baterya nito.

Ayon sa blog ni Mike Koval, hepe ng pulisya sa Madison, isinuko ng lalaki ang kanyang sarili pero hindi siya huhulihin dahil hindi naman ito nakuhanan ng mga larawan ng kanyang nakunan sa pamboboso.

“He said he had purchased a shoe camera that he intended to use to take upskirt videos of females, but the camera battery exploded prior to obtaining any video,” sabi ni Koval.

“When the explosion happened, he got treatment for minor burns, then disclosed what happened to his mentor, a clergyman,” kuwento pa ng hepe.

Isinailalim umano sa counselling ang lalaki bago ito pinakawalan.

Ang “upskirting” ay may parusa sa Wisconsin ng hanggang tatlong taon na pagkakulong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?