18

By

Lalaking nagbebenta ng droga, dinakma sa Recto

Sharing is caring!

Inaresto dahil sa pagtutulak ng shabu ang isang lalaki sa CM Recto, Maynila.

Nahuli ang suspek na si Larry Borja, 37-anyos, sa ikinasang buy-bust operation ng Moriones-Tondo Police Station (PS-2) sa mismong bahay nito sa No. 335 CM Recto.

Nanguna sa operasyon si Police Chief Inspector Anthony Sy kasama ang operatiba ng PDEA Manila.

Narekober sa suspek ang 10 sachet na naglalaman ng shabu at isang piraso ng P500 buy-bust money.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang kakaharapin ng suspek na ngayon ay nakapiit na sa kulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?