146
crime-scene-dead
By

Lalaking may sayad nag-amok: Asawa at pamangkin kinatay

Patay ang dalawa katao habang apat pa ang sugatan matapos na mag-amok ang isang lalaki na umano’y may diperensya sa pag-iisip at pagtatagain ang kanyang mga kaanak at mga kapitbahay nitong Martes ng umaga sa bayan ng Ilog, Negros Occidental.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Ilog Municipal Police Station ang suspek na si William Magbato, residente ng Barangay Balicotoc ng nabatid na bayan.

Kinilala ang dalawang nasawing biktima na sina Milerna Magbato, 55, asawa ng suspek; at Ryan Ulitan, 18, pamangkin, na nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi na katawan na naging sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Samantala sugatan naman ang apat pa nilang kapitbahay na sina Jessie Teranes, 50; Jnaice Elamparo, 33; at dalawang barangay kagawad na sina Leonilo Balsomoro Sr., at Demjoy Tiaga.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-siyete ng umaga kung saan kakagising lang umano ng suspek na agad kumuha ng itak at unang pinagtataga sa loob ng kanilang bahay ang kanyang asawa at pamangkin na agad nasawi sa lugar.

Hindi pa nakuntento ay lumabas pa ito ng bahay bitbit ang itak na ginamit sa pamamaslang sa asawa at pamangkin at pinagtataga nito ang apat na kanyang nakasalubong sa kalsada.

Samantala unang nakaresponde sa lugar ng insidente ang mga tauhan ng 15th Infatry Battalion ng Philippine Army na pinamumunuan ni Lt. Col. Patricio Tomales at sinubukang payapain ang suspek subalit imbes na sumunod ay tinangka pa silang atakihin kaya binaril nila ang suspek sa kamay dahilan upang mabitiwan ang dalang itak at agad nilang inaresto at dinala sa istasyon ng pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?