71
shootout
Dec 19, 2018 @ 17:36
By

Lalaking may kasong murder, patay sa Batangas shootout

Isang lalaki na nahaharap sa maraming kaso ng pagnanakaw ang nasawi sa ikinasang operasyon ng mga pulis sa Tanauan City, Batangas, nitong Miyerkoles.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Cantal, na nakalalaya matapos magpiyansa sa kaso naman nitong frustrated murder.

Ayon sa report, rumesponde ang kapulisan sa reklamo ng pagnanakaw kaya nagkasa ng pag-aresto sa suspek sa Barangay Darasa dakong alas-2:30 ng madaling-araw.

Agad umanong nagpaputok si Cantal nang makita ang papalapit na mga pulis.

Itinakbo pa sa CP Reyes Hospital ang suspek pero namatay ito habang dinadala.

Narekober sa kanya ang isang kalibre .38 na baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?