16

By

Lalaking lasing, nagkalasog-lasog sa trak

Sharing is caring!

Namatay nang salpukin at kaladkarin ng trailer truck ang isang lalaking lasing sa lungsod ng Navotas kagabi.

Sa ulat ng Navotas City Police, alas-11:00 ng gabi, binabaybay ng trailer truck na pagmamay-ari ng Asian Ventures General Services Inc., at minamaneho ni John Abrasaldo ang kahabaan ng Road 10, Barangay North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod.

Hindi nito napansin na nasa gitna ng kalsada ang biktimang si Lito Lauros kaya’t nasalpok niya at nakaladkad ng mahigit 15 metro.

Nalaman na lang niya ang nangyari nang magsigawan ang mga residente sa lugar.

Hindi na naisugod sa ospital ang biktima dahil nagkalasog-lasog na ito.

Ayon sa mga nakasaksi, may ilang oras nang naglalakad sa nasabing kalsada ang biktima na walang pakundangang tumatawid kahit may mga sasakyang dumadaan.

Sabi pa ng mga kaanak ng biktima na lasing umano ito nang mangyari ang insidente.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang driver ng truck na ngayon ay nasa kustodiya na ng Navotas City Police at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?