30

Jan 22, 2021 @ 17:40
By

Lalaking jumingle sa labas ng lamay, todas sa pananaksak

Patay sa pananaksak ang isang lalaki matapos umihi sa labas ng isang lamay sa Libacao, Aklan.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Melvin Asiong ng Bgy. Loctuga ng naturang probinsya.

Ayon sa imbestigasyon, umiihi si Asiong sa labas ng isang lamay sa Bgy. Manika nang bigla na lamang itong pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nagtamo ng anim na saksak ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.

Ayon sa kapulisan, maaaring away-pamilya ang naging motibo ng suspek sa krimen.

Kasalukuyan nang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?