258

Nov 3, 2017 @ 15:35

Lalaking bumibili ng yelo, sinaksak sa dibdib

Sugatan ang isang 33-anyos na lalaki nang saksakin ng kanyang pinagtanungan kung saan makakabili ng “yelo” madaling-araw kahapon sa Sta.Cruz, Maynila.

Nakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Ernesto Mayoral Jr.,33 at taga 824 Oroqueta St. Sta.Cruz, Maynila dahil sa saksak sa dibdib .

Arestado naman ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 3, si Eddie Labong, 46 at residente ng 824 Oroqueta St. Sta. Cruz, Maynila.

Alas-3:00 ng madaling araw naganap ang insidente sa kanto ng Oroqueta St. at Claro M. Recto Avenue.

Lumabas ng bahay ang suspek para maghanap nang mabibilhin ng “yelo” at nang makita ang suspek nagtanong umano ang biktima kung saan maaring makabili ng yelo.

Ngunit imbes na sagutin ay bumunot ng patalim ang suspek saka biglang sinaksak sa biktima na nakailag ngunit natamaan pa rin sa dibdib.

Tumakbo umano ang biktima at dumiretso sa hospital para ipagamot ang sugat a dibdib.

Nahaharap naman sa kasong attempted homicide ang suspek na nakapiit sa sa MPD-PS 3. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?