41

Oct 19, 2021 @ 21:13
By

Lalaking binalikan mga alagang baka nalunod

Nasawi ang isang lalaki nang bumalik sa palayan upang tingnan ang kanyang mga baka sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Maring sa Luna, La Union.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang biktimang si Jessie Castillo ang ika-41 namatay dahil kay “Maring”.

Natagpuang patay si Castillo sa palayan sa Barangay Suyo noong Oktubre 15 matapos ang ilang araw na search at retrieval operation.

Bumalik umano si Castillo sa palayan para itsek ang mga baka niya sa Brgy. Sto Domingo ngunit hindi na nakauwi.

Naniniwala ang mga awtoridad na nalunod ang biktima nang tumaas ang tubig sa palayan dahil sa malakas na pag-ulan ni “Maring”.

Kabilang si Castillo sa anim na kataong iniulat na nawawala sa La Union dahil sa bagyong Maring.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?