47

Jan 22, 2018 @ 18:26
By

Lalaking ‘adik’ sa teleserye, pumitik ng ‘black box’

Lalong hindi na mapapanood ng isang lalaki ang kanyang paboritong teleserye matapos siyang ikulong dahil sa shoplifting sa Taguig City.

Nabatid na kahapon ng hapon nang arestuhin ang 36-anyos na si Joel de Chaves sa Robinsons Appliances Warehouse sa Barangay Ibayo Tipas.

Tinangka ni Velasco na ipuslit ang isang ABS-CBN Black Box na nagkakahalaga ng P2,000 sa pamamagitan nang pagtatago nito sa kanyang baywang.

Mahilig umano ang suspek na manood ng teleserye ng ABS-CBN at dahil wala siyang black box, naisipan niyang pitikin ang isa nito sa nasabing warehouse.

Samantala, sa Pateros naman bumagsak din sa kulungan si Josie Pineda nang magtangka din itong ilabas naman ang ilang gamit pampaganda at pampabango mula sa isang sangay ng 7-Eleven sa Barangay Poblacion kagabi. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?