1,020
nlex
Nov 5, 2019 @ 22:15
By

Lalaki tumalon sa NLEX flyover, nakaladkad pa ng bus

Patay ang 42-anyos na lalaki nang tumalon mula sa flyover at nakaladkad pa ng pampasaherong bus sa North Luzon Expressway (NLEX) na sakop ng Barangay Unang Sigaw, Quezon City nitong Martes ng gabi.

Basag ang bungo at halos magkalasog-lasog ang katawan sa kalsada ng biktimang si Gilbert, residente ng Antipolo, Rizal.

Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kaniyang driver’s license.

Batay sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District, nangyari ang insidente pasado alas-3:00 ng hapon (November 5) sa Camachile flyover (NLEX) northbound sa Brgy. Unang Sigaw, QC.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, bago ang pagtalon ng biktima ay nakita nilang palakad-lakad ito at tila wala sa sarili.

Nagulat na lamang sila nang bigla itong sumampa sa flyover at biglang tumalon.

Duguang bumulagta sa kalsada at nakaladkad pa ang biktima ng hamaharurot na Five Star Bus na may plakang AWA-71 ng may ilang metro ang layo.

Dahil dito ay nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?