96

Dec 28, 2017 @ 9:14
By

Lalaki todas sa carnapper sa Laguna

Inagawan na ng motorsiklo ay pinatay pa ang isang lalaki sa San Pedro, Laguna, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Paul Lising y Quizon, 38, isang freelance technician, at residente ng Pitimini Village, Brgy. Cuyab, San Pedro.

Batay sa imbestigasyon ng San Pedro police, bandang alas-nuwebe ng gabi, nakaparada ang biktima at naghihintay sa kaniyang kasama sa Brgy. Cuyab nang lapitan ito ng dalawang suspek.

Isa sa mga ito ang bumaril sa biktima na tinamaan sa kanang pisngi.

Mabilis sumakay ang dalawang suspek sa motorsiklo ng biktima at tumakas patungo sa direksiyon ng Brgy. San Roque.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima subalit idineklara itong dead-on-arrival ng doktor.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari. (Ronilo Dagos)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?