95

By

Lalaki tinubo ng pinsan, agaw-buhay sa Mandaluyong

Kritikal ang isang lalaki matapos tubuhin sa ulo ng kanyang nakaalitang pinsan makaraang magtalo ang dalawa sa hindi pa malamang dahilan sa loob ng kanilang compound sa Barangay Plainview, Mandaluyong City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na si Christian Abraham y Anover, 29-anyos matapos saksakin ng tubo sa ulo ang nakaalitang pinsan na si Denmark Magan y Sabas, 33-anyos, kapwa residente ng GK Suntaville Compound, Barangay Plainview, Mandaluyong City.

Naganap ang insidente bandang alas-2: 00 Huwebes ng gabi nang magtalo ang dalawang mag-pinsan na nauwi sa sakitan kung saan ay nakakuha ng tubo ang suspek at agad na hinampas sa ulo ng nakaaway na pinsan.

Nahinto lamang ang pangyayari nang tumumba na ang biktima saka humingi ng saklolo na agad na dinala ang biktima sa Mandaluyong City Medical Center subalit sa tindi ng tinamong pinsala sa ulo sa pinayuhan ng ospital na ilipat sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.

Samantala, kusang sumuko naman ang suspek sa Bantay bayan ng Barangay Plainview at Mandaluyong police para harapin ang isinampang kaso ng kanyang mga kaanak.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Mandaluyong detention cell habang hinihintay ang pagdinig sa kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?