135

Oct 5, 2021 @ 20:38
By

Lalaki tinodas sa walwalan

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang lalaki habang nakikipag-inuman sa Tondo, Manila noong Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Michael John Gonzales, 38, habang tinukoy ang suspek na si Brian Sanquer Alcoriza, 29, walang trabaho, residente rin ng Tondo.

Ayon sa Manila Police Department, alas-2:20 ng madaling-araw naganap ang insidente sa Varona St., kanto ng Panday Pira.

Batay sa nakasaksi, nag-iinuman sina Gonzales at Alcoriza nang magtalo ang dalawa.

Kumuha ng kutsilyo si Alcoriza at pinagsasaksak ang biktima.

Naitakbo pa si Gonzales sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit pumanaw kalaunan.

Agad namang nahuli ang suspek at nasa kustodiya na ng homicide section.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?