79

Jul 18, 2019 @ 22:58
By

Lalaki tinodas habang naghihintay ng ‘Ang Probinsyano’

Hindi na napanood ng isang 26-anyos na lalaki ang July 18 episode ng “Ang Probinsyano” matapos itong barilin sa labas ng bilyaran sa Katipunan St., Barangay Labangon, Cebu City.

Namatay sa ospital si Jason Alonzo nang barilin ng dalawang lalaki na nakasakay ng motorsiklo pasado alas-siyete ng gabi.

Nakatambay umano noon sa billiard hall ang biktima dahil hinihintay nito ang palabas na “Ang Probinsyano”.

Nagawa pa umanong makatakbo ni Alonzo matapos siyang barilin sa dibdib pero bumagsak ito nang makarating sa kalapit na motorcycle parts store.

Nadala siya sa ospital pero namatay din kalaunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?