66
Lalaki tinadtad ng saksak saka itinapon sa poso negro
By

Lalaki tinarakan ng nasaging magkapatid

Sugatan ang isang lalaki makaraang saksakin ng magkapatid na construction worker nitong Sabado ng madaling-araw sa Makati City.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ang biktimang si Eddie Baldomar, 58, may-asawa, nakatira sa Barangay Pitogo ng naturang lungsod.

Nagtamo siya ng tama ng saksak sa kaliwang braso at ibabang bahagi ng katawan.

Agad namang naaresto ang magkapatid na sina Milan, 22, at Renato Hiligan, 32, kapwa laborer at naninirahan sa Barangay Felix, Cainta, Rizal.

Sa ulat ng Makati City Police, naglalakad ang biktima sa may Kalayaan Street sa Barangay Pitogo nang makabungguan niya ng katawan ang isa sa mga suspek pagsapit ng kanto ng Mindoro Street.

Dito nagkaroon ng pagtatalo nang masamain ng mga suspek ang pagkakabunggo.

Sa kainitan ng diskusyon, naglabas ng balisong ang mga suspek at dalawang beses na inundayan ng saksak ang biktimang si Baldomar.

Nang duguang bumulagta ang biktima at sa pag-aakala ng mga suspek na napatay nila ang biktima ay mabilis na nagtatakbo sa kanilang pagtakas.

Agad namang nagresponde ang mga barangay tanod at mga awtoridad na kung saan agad naisugod sa nasabing pagamutan ang biktima.

Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ang magkapatid na suspek at agad na dinala sa nasabing himpilan ng pulisya.

Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang magkapatid sa naganap na insidente at sa ngayon ay nahaharap sila sa kasong frustrated homicide sa Makati City Prosecutor’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?