146
knife
Dec 18, 2017 @ 9:41
By

Lalaki tinarakan ng kutsilyo sa mukha ng kaaway

Sugatan ang isang 21-anyos na lalaki matapos saksakin sa mukha ng kanyang kaaway sa CM Recto Ave., cor. Delpan St. sa lungsod ng Maynila.

Ginagamot ngayon sa Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si John Vincent Fernandez, market helper, at nakatira sa Tondo habang nakatakas naman ang suspek na nakilala lamang bilang “alyas Venus”, residente rin sa lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kaharap ni Fernandez ang isang kaibigan nang dumating ang suspek na lulan ng motorsiklo at walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa mukha ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon.

Nabatid na matagal nang may alitan sina alyas Venus at Fernandez kaya’t sinasabing ito ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa agarang ikadakip ng nakatakas na suspek. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?