4

Lalaki tinahi ang mukha matapos atakehin ng bear

Sharing is caring!

Sugatan ang mukha ng isang lalaki makaraang atakehin ng may apat na talampakang taas na bear.

Ayon kay Andrew Meunier sa CBC News, hinayaan niyang lumabas ang aso niya sa bahay nito sa Florida bandang alas-11:00 ng gabi pero paglabas niya para hanapin ito ay nakitang katabi na niya ang dambuhalang bear at inatake siya.

“I came outside and he was right there, and I tried to run but it wasn’t fast enough,” ani Meunier sa CBC.

Nagtamo ng minor facial laceration sa pag-atake si Meunier, na unang insidente sa South Florida mula pa noong 1970, na malapit pa naman sa isang eskuwelahan, sa ulat ng Wink.

41 na tahi sa mukha ang inabot ni Meunier dahil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?