12

Jan 25, 2021 @ 15:52
By

Lalaki tinaga ng kakosa, patay

Patay sa pananaga ang isang lalaki sa Aklan Rehabilitation Center, Kalibo. Ang suspek, sarili niyang kakosa na kasama niya sa selda.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Rommel Tambong at ang suspek na si Art Tumbukon.

Ayon sa ulat, natutulog umano ang 40-anyos na biktima nang bigla itong pagtatagain ng 24-anyos na suspek.

Kaagad namang isinugod si Tambong sa pagamutan ngunit binawian din ito ng buhay.

Kasalukuyan nang inaalam ng kapulisan ang motibo ni Tumbukon sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?