225
Lalaki timbog sa siniksik na droga sa puwet
Jul 18, 2019 @ 18:05
By

Lalaki timbog sa siniksik na droga sa puwet

Buking ang diskarte ng isang lalaki na pagtatago ng iba’t ibang iligal na droga sa kanyang puwet matapos itong sitahin dahil sa overspeeding.

Inaresto si Derick McKay dahil sa “driving with a suspended license” sa Florida, United States noong Hulyo.

Agad umanong naamoy ng pulis ang marijuana nang lumapit sa sasakyan ng 36-anyos na suspek pero itinanggi ito ng huli.

Nang makarating sa kulungan, inamin ng suspek na may nakatagong mga maliliit na plastic bag na naglalaman ng droga sa kanyang puwet kabilang na ang isang bag ng cocaine, walong bag ng heroin, dalawang bag ng ethylone at bag ng marijuana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?