41

Feb 20, 2018 @ 18:03

Lalaki timbog sa pagdadala ng mga baril sa LRT 1

Nadakip ang isang pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) matapos magdala ng apat na baril sa isang istasyon nito sa Maynila, Martes ng umaga.

Kinilala ang lalaking pasahero na si Juan Celso na taga-Balut, Tondo, Manila, sa ulat ng dzBB.

Papasok sana ng Blumentritt Station dakong alas-siyete ng umaga si Celso nang madiskubre ng security guards ang mga baril na dala nito.

Inilagay ng suspek ang mga baril sa loob ng karton na kahon, na may laman ding walong magazines.

Inihahanda na ang reklamong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions laban sa suspek, na nakakulong na sa Manila Police District Station 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?