71

By

Lalaki timbog sa 10,000 text message sa natipuhang babae

Kalaboso ang isang lalaki matapos sunod-sunod na padalhan ng text messages sa loob ng 12-araw ang isang babaeng kanyang natipuhan.

Nasakote sa Georgia si Nicholas C. Nelson, 48, ng Parkland, Florida matapos siyang ireklamo ng babaeng kanyang ini-stalk at pinagbabantaan sa text kabilang na ang “You and I, We die together”.

Ayon sa biktima nagsimula siyang makatanggap ng mga nakatatakot na text sa lalaki noong Abril matapos nilang magkakilala sa pamamagitan ng mutual friend.

Nahaharap sa mga kasong aggravated stalking at writing intimidating and threatening messages si Nelson na humarap na sa korte sa Broward County noong Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?