56

Jun 29, 2020 @ 20:51
By

Lalaki sumagwan ng 4 araw para makauwi

Apat na araw ang binuno sa karagatan ng isang lalaki para makauwi sa kanilang probinsya nang maharang siya ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG-Negros Occidental head Commander Jansen Benjamin, namataan ang isang bangka sa pampang ng Barangay Lemery bandang alas-10 ng gabi.

Dito na nakita ang isang 59-anyos na lalaki na apat na araw umanong nagsagwan para makauwi sa kanyang pamilya.

Ayon kay Benjamin, nanggaling pa umano ang lalaki mula Argao, Cebu bago makarating sa Negros Occidental.

Nilagay ang nasabing lalaki 14-day quarantine sa Calatrava Evacuation Center bago ito makauwi sa kanilang tahanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?