161

Dec 19, 2017 @ 18:31
By

Lalaki sugatan sa ligaw na bala

Sugatan ang isang lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala nang magpaulan ng punglo ang tatlong kalalakihang magkakaangkas sa motorsiklo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PSSupt. Jemar Modequillo, ng Caloocan City Police, alas-nuwebe ng gabi nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Doce 36 Street, Barangay 156.

Naglalakad ang biktimang si Edberto Catama, 36-anyos, nang biglang dumating ang mga suspek na ang isa ay nakilala lamang sa alyas na Jigen saka walang habas na nagpaulan ng bala.

Natumba ang biktima matapos na tamaan ng bala sa kanang binti, mabilis namang nagsitakas ang mga suspek na naghihiyawan pa umano habang papalayo.

Napag-alaman sa mga residente sa lugar na galing na umano sa kabilang kalye ang mga suspek kung saan ay nagpaputok din umano ng bala ang mga ito.

Ayon sa mga awtoridad ay posibleng nag-trip lang ang mga suspek kung saan nasangkot na sa gulo si Jigen at nakapatay na rin umano nang masangkot sa gang war.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?