33

Aug 4, 2021 @ 22:01
By

Lalaki sinagutan exams ng nobya, swak sa selda

Buking sa pagpapanggap na babae ang isang lalaki para saluhin ang kanyang nobya at sagutan ang high school graduation exam nito.

Kalat sa social media ang larawan ni Khadim Mboup, 22-anyos na estudyante sa Senegal, habang naka-disguise na babae.

Nahuli si Mboup ng mga tagabantay sa ikatlong araw ng exams matapos mapansing may mali sa suot niya.

Naaresto siya nitong weekend at sinabing “out of love” ang ginawa niya dahil hirap daw sa English ang kanyang nobya.

Humarap siya sa korte noong Lunes sa mga kasong identity theft at exam fraud kasama ang kanyang nobya na inakusahan namang “complicit in the crimes.”

Kapwa nakulong ang magdyowa dahil sa kanilang ginawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,