92

Nov 21, 2021 @ 11:35
By

Lalaki sapul sa ulo sa pamamato sa MRT-3

Isang pasahero ang tinamaan ng bato na inihagis sa loob ng bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Linggo.

Basag ang salamin at tinamaan ang pasahero ng MRT-3 byaheng pa-Magallanes station bandang alas-6:49 ng umaga, matapos batuhin ang bagon ng tren.

Binigyan naman agad ng first aid ang nabatong biktima.

Ibinahagi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang larawan ng sirang bintana ng bagon sa kaniyang Facebook account.

Pinagmumura at sinabi ni Tugade na dapat makulong ang gumawa nito.

“Sana mahuli itong t**r@Nt@d0** gumawa nito! Mayroong nambato sa isang tren ng MRT-3 habang bumibiyahe papuntang Magallanes. Nabasag ang isang bintana ng bagon, at may isang pasaherong nasaktan. ‘Yung ganitong g@g*ng tao ay dapat na nakukulong!!!” caption ni Tugade sa kaniyang post.

https://www.facebook.com/106472688264785/posts/232569965655056/

Pinaghahanap na ng awtoridad ang suspek sa nasabing pamamato. (Sherrylou Nemi)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?