114

Jun 13, 2021 @ 22:15
By

Lalaki sa US, nilulon ng balyena

Isang lalaki sa Provincetown, Massachusetts ang nakaranas ng isang pangyayaring halos sa Bibliya at kwentong pang-bata lamang maririnig.

Kwento ng lobster diver na si Michael Packard, 56 anyos, nasa kalagitnaan siya ng pagsisid ng mga lobster noong Biyernes nang bigla na lang umanong nandilim ang kanyang paligid.

“All of a sudden, I felt this huge shove and the next thing I knew it was completely black,” pahayag ni Packard sa report ng Cape Cod Times. “I could sense I was moving, and I could feel the whale squeezing with the muscles in his mouth.”

Inakala pa umano niya na isang great white shark ang kumain sa kanya ngunit napansin din umano niya na wala itong matatalas na pangil at ngipin.

Muntik pa umano siyang sumuko na lang at tanggapin ang kapalaran ngunit sinubukan umano niyang kumilos ng kumilos hanggang sa iluwa siya ng nakalunok sa kanya – na isang humpback whale.

Laking pasasalamat ni Packard na balyena ang nakalulon sa kanya at nakawala siya mula rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?