155
ABANTE salvage muslim crime
Jan 11, 2018 @ 9:19
By

Lalaki pinasabog ang bungo sa Laguna

Isang lalaking Muslim na biktima ng salvage ang natagpuan sa Juvilation, Brgy. Platero, Biñan City, Laguna, kamakalawa ng umaga.

Agad ding nakilala ng kaniyang mga kaanak ang biktima na si Mohaimen Magdara Dumul.

Batay sa imbestigasyon, natagpuan ang biktima na sabog ang ulo dahil sa tama ng bala na siyang naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Natatakpan ang bangkay ng isang placard na may nakasulat na mga salitang “drug lord ako, huwag tularan”.

Narekober din sa tabi nito ang tatlong basyong hindi pa matiyak na kalibre ng baril.

Tumanggi naman ang mga kaanak ng biktima na suriin pa ito ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) dahil na rin umano sa kanilang tradisyon sa Muslim. (Ronilo Dagos)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?