323

Oct 30, 2017 @ 18:10

Lalaki pinagtataga sa tangkang paggahasa

Sugatan ang isang construction worker matapos pagtatagain ng ama ng babaeng plano sana niyang gahasain sa Valenzuela City Lunes ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Paolo Estrada, 35, naninirahan sa Karuhatan Compound ng nasabing lungsod.

Nangyari ang insidente pasado alas-5:00 ng umaga sa bahay ni Anacleto San Andres, 69, sa Karuhatan Compound kung saan nagbo-board ang suspek.

Katatapos lang maligo ng anak ni Anacleto na si Rose Anne nang makarinig nang paghihilik sa ilalim ng kanyang kama.

Nang silipin niya ito, nakita niya ang suspek na natutulog dahilan upang ipagbigay alam niya ito sa kanyang ama.

Galit na galit naman si Anacleto, kumuha ng jungle bolo at sinugod ang suspek na noo’y naglalakad sa hagdan.

Agad na tinaga ni Anacelto ang suspek na tinamaan sa braso at kaliwang dibdib.

Dinala ang suspek sa Valenzuela City Medical Center ang suspek nang mga rumespondeng pulis.

Sumuko naman si Anacleto sa pulisya subalit hindi na nakita pa ang jungle bolo na ginamit sa pananaga. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?