41

Mar 21, 2020 @ 20:57
By

Lalaki pinagtataga ng kainuman habang curfew

Patay ang isang magsasaka sa Magdiwang, Romblon matapos pagtatagain ng kanyang kainuman.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima na si Fidel Robiso, 68, at suspek na si Rudy Rodeo, 51, habang nag-iinuman noong Marso 20 sa gitna ng pagpapatupad ng curfew dahil sa enhanced community quarantine bandang alas-9:30 ng gabi.

Bigla na lang bumunot ng bolo ang suspek at pauli-ulit na tinaga ang biktima.

Nagtamo ng taga sa dibdib at sa ulo ang biktima.

Ligtas na umano ang lagay ng biktima sa Romblon Provincial Hospital sa Odiongan.

Naaresto naman sa hot pursuit operation si Rodeo at nakakulong na sa Magdiwang Municipal Police Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?