267

By

Lalaki patay sa sumabog na fire extinguisher

Isang lalaki na bibili sana ng fire extinguisher ang nasawi matapos itong sumabog habang kanyang sinusuri.

Sa YouTube post ng Digital Filipina, makikita ang biktima na lumapit sa isang mangangalakal ng lumang gamit.

Dito niya kinuha at kinalikot ang fire extinguisher na kanyang gustong bilhin pero sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla itong sumambulat.

Matapos maglaho ang makapal na usok mula sa sumabog na fire extinguisher ay makikitang nakahandusay na sa kalsada ang biktima na namatay umano on the spot.

Ayon sa report, nangyari umano ang insidente sa Brgy. West Crame, San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?