36
knife
By

Lalaki patay sa saksak ng kainuman

Sharing is caring!

Patay ang isang padre de pamilya nang saksakin ng kanyang nakainum sa Tondo, Manila nitong Sabado ng gabi.

Nabatid sa imbestigasyon ni Police Chief Inspector Liz Ann Sucgang ng Manila Police District Homicide Division, nag-iinuman sa loob ng bahay ng biktima na si Edwin Tagdulang, 29 anyos at ang suspek na si Amay Gamo, 31 kapwa residente ng Helping complex aroma compound sa Brgy. 105 Zone 8, Tondo, Maynila.

Sa hindi mabatid na dahilan ay sinuntok umano ng suspek ang biktima kung saan umabot pa hanggang sa labas ng bahay nito ang bakbakan ng dalawa.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Ruby Milandres, matapos ang nangyaring suntukan ay umalis ang suspek na si Gamok at ilang saglit pa ay bumalik ito at may bitbit nang patalim.

Doon na inundayan nang saksak ng suspek ang biktima sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan na naging sanhi ng agarang pagkamatay ng biktima.

Sa follow-up operation naman ng Smokey Mountain Police Community Precinct ay nadakip ang suspek na si Gamo na ngayon ay nakapiit na sa kulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?