91
ABANTE TNT pulis baril patay dead crime sekyu
By

Lalaki patay sa pamamaril sa Makati

Patay sa pamamaril ang isang lalaki ng mga hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Makati City nitong Linggo (July 14) ng umaga.

Naganap ang pamamaril dakong alas-8:25 ng umaga sa Osmeña Avenue corner Gen. Cailles Street sa Barangay Bangkal, Makati City.

Ayon sa report ng DZBB ang biktima ay kinilalang isang 63-anyos na lalaking residente ng Bangkal, Makati. Ayon pa sa report, isang retired employee ng isang private company ang biktima.

Sakay umano ng silver Honda CRV na may plate number na XGZ 906 ang biktima at ang kaniyang asawa nang biglang barilin ng gunman ang kanilang sasakyan. Agad na tumakas ang suspek matapos matamaan ang biktima.

Ayon sa radio reports, narekober ng Scene of the Crime Operatives na rumesponde sa insidente ang 9-millimeter na bala ng baril.

Patuloy pa rin namang inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?