By

Lalaki patay sa pamamaril sa Baseco

Sharing is caring!

AGAD na nasawi ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Baseco Compound, Port Area sa Maynila Lunes ng gabi.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang pagkakakilanlang ang biktima na nakasuot lamang ng puting sando, at tinatayang nasa pagitan ng edad 25 hanggang 30 taong gulang.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, nakarinig ng putok ng baril ang isang barangay kagawad sa lugar bandang alas-11 ng gabi.

Nang siyasatin ang pinagmulan ng putok ay doon na tumambad ang duguang katawan ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya nabatid na walang nakakita sa bumaril sa biktima.

Tama ng bala sa tainga at bibig ang tumapos sa buhay ng biktima.

Samantala, narekober ng SOCO mula sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong basyo ng 9mm na baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa pamamaslang, partikular ang motibo at pagkakakilanlang ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?