3,090

By

Lalaki patay sa manok na panabong

Nasawi ang isang lalaki habang nanonood sa isang sabungan matapos niyang mahiwa ng tari ng manok na panabong.

Ayon sa New Zealand Herald, nangyari ang iligal na sabong sa Andhra Pradesh sa India.

Hawak umano ng isa sa organizer ang manok nang magpumiglas ito at makawala.

Tinamaan ang biktimang si Saripalli Venkateswara Rao, 55, ng tari ng nakawalang manok na panabong.

Nagtamo siya ng malalim na hiwa sa tiyan na siyang ikinamatay niya dahil sa matinding pagdurugo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?