7

By

Lalaki patay sa karambola ng 4 sasakyan sa Maynila

Sharing is caring!

Isa ang nasawi habang apat pa ang sugatan matapos ang banggaan ng apat na sasakyan sa Tondo, Manila nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit, nangyari ang insidente sa Honorio Lopez Boulevard kanto ng San Rafael Street dakong alas-5:30 ng madaling-araw.

Sangkot sa insidente ang isang Toyota Vios, dalawang tricycle at isang Honda motorcycle.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, tumama umano ang Vios na minamaneho ni Michael Russel Lopez, 25, sa tricycle saka nasapol ang dalawa pang sasakyan.

Namatay sa karambola si Felix Pantilagan na taga-Navotas City habang nagtamo ng kaunting pinsala sina Rafael Santos, 32, Noberto Trogon, 63, at dalawa pang bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?