crime-scene-dead
By

Lalaki patay nang manlaban sa Oplan Galugad sa QC

Sharing is caring!

Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos na maka-engkwentro ang mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Novaliches 10:00 Biyernes ng gabi.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang napatay na suspek ay kasama ng grupo na sakay ng isang naka-park na Vios sa Barangay Sta Monica.

Pinaputukan aniya ng mga sakay ng Vios ang mga kumatok ditong pulis bago tumakas.

Nagkaroon ng habulan hanggang sa Quirino Avenue kung saan inabutan at napatay ang isa sa suspek na naka-suot ng grey na t-shirt, puting shorts at armado ng baril.

Naabutan at naaresto din ang dalawa pang suspek, isa dito ay dinala sa National Orthopedic Hospital matapos na tamaan ng bala sa kamay.

Isa naman sa suspek ay nakatakas.

Ipapadala ng QCPD ang narekober na 2 baril sa PNP Crime Lab para maisailalim sa balllistic test at malaman kung nagamit na ito sa mga naunang shooting incident o krimen sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?