562

By

Lalaki patay matapos maiubo palabas ang parte ng baga

Sharing is caring!

Isang lalaki na nagtungo sa ospital dahil sa problema sa kanyang puso ang literal na naiubo ang kanyang baga.

Ayon sa report ng The Sun, na-admit sa University of California San Francisco Medical Center ang 36-anyos na lalaki dahil sa heart failure.

Nilagyan ng pacemaker ang pasyente dahil sa history nito ng mahinang cardiovascular, ayon sa New England Journal of Medicine.

Nagsimula na itong umubo nang umubo sa unang linggo ng paggamot sa kanya.

Sa kanyang matinding pag-ubo ay nailabas nito ang kanyang bronchial tree, isang series ng tubes na siyang nagdi-distribute ng hangin sa baga.

Makalipas ang isang linggo ay namatay ang hindi pinangalanang pasyente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }