67

Oct 22, 2017 @ 17:35

Lalaki panalo sa suntukan, patay naman sa barbel

Isang lalaki ang patay nang hampasin ng barbell sa ulo ng kanyang kaaway nang hindi umubra at manalo-nalo sa kanya sa suntukan lungsod ng Caloocan Sabado ng gabi.

Nangyari ang insidente alas 11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob barracks ng isang construction site na matatagpuan sa kahabaan ng Bern Street corner Copenhagen Street, Vista Berde Subdivision, Barangay 167, Llano ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umano noong nakikipaginuman ang biktimang si Dominador Dizon sa kanyang mga katrabaho kabilang ang suspek na si Allan Besana nang bigla na lamang na magkasagutan at magmurahan ang dalawa.

Ilang sandali pa ay nagsuntukan na ang mga ito. Nang madehado, bigla na lamang binuhat ni Besana ang 15 kilong bigat na improvised barbell at hinampas sa ulo ni Dizon.

Isinugod s sa Acebedo General Hospital ang biktima ngunit hindi na ito pinalad pang. Tinutugis pa ng mga pulis ang suspek. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?