13

By

Lalaki natagpuang patay sa baha sa Marikina

Sharing is caring!

Isang 36-anyos na lalaki ang natagpuang nakalutang sa baha sa Barangay Nangka, Marikina City, kahapon ng madaling araw.

Natagpuan ang bangkay ni Dioscoro Camacho, residente ng Barangay Nangka, Marikina City bandang alas 5:00 kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Milflores St., sakop ng Barangay Concepcion Uno, na kung saan ay nasa 6-feet umabot ang baha.

Ayon sa kasama sa bahay ng biktima na si Ronnie Bernados, lumabas ng bahay si Dioscoro bandang alas 8:00 Sabado ng gabi para ilagayt sa ligtas na lugar ang kanilang motorsiklo subalit hindi na ito nakabalik pa magdamag.

Hinala naman ng Marikina Police na posibleng namatay ang biktima sa pagkalunod o sa kuryente dahil sa taas ng baha sa kanilang lugar na umabot ng 6-feet.

Sinabi naman ni Bernardo na posibleng nakuryente ang kaibigan dahil sa pagkakalusong sa baha at hindi sa pagkalunod dahil magaling umano itong lumangoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?