52

By

Lalaki nanutok ng baril para sa selfie sa Houston, Pinoy range officer to the rescue!

Sharing is caring!

Isang range safety officer ang naglakas-loob na lapitan ang isang lalaki na biglang tinutok ang baril sa kanyang kasama para sa isang selfie.

Sa video na ibinahagi ng Top Gun Range, isang shooting range company sa Houston, Texas, makikita ang aktong pagtapat ng baril ng isang lalaki dahilan upang mabilis na umaksyon ang isa sa tauhan ng nasabing shooting range.

Makikita rin na ang pumigil na range safety officer ay may suot na sombrero na may watawat ng Pilipinas na nakatahi at ayon sa Top Gun Range, may lahing Pinoy nga ang nasabing officer.

Ban na umano ang dalawang magkaibigan sa shooting range dahil sa hindi pagsunod sa safety brief at range rules ng lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?