394

Dec 26, 2017 @ 17:04

Lalaki nahulog sa 3rd floor ng Cebu mall

Nahulog ang isang lalaki mula sa ikatlong palapag ng isang mall sa Cebu City nitong Disyembre 26.

Ayon sa source ng SunStar, tumalon sa railings bago nahulog sa lower ground floor ng mall ang lalaki.

Alas-1:44 ang nairekord na alarma ng rescuers kung saan bineberipika pa ng otoridad kung tumalon ang lalaki o nahulog.

Dinala umano sa isang pribadong ospital ang lalaki ngunit hindi pa tukoy ang kondisyon nito habang isinusulat ang balitang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?