193

By

Lalaki nagpaaresto matapos mag-download ng porno

Sharing is caring!

Isinuko ng isang 24-anyos na lalaki ang kanyang sarili dahil sa pagda-download ng malaswang video sa kanyang cellphone.

Ayon sa ulat ng Pensacola News Journal, nagtungo ang suspek na si Cory Hinsch sa Pensacola Police Department sa Florida noong Nobyembre 9 at sinabihan ang front desk police officer na dapat siyang arestuhin at ikulong dahil may laman na porno ang kanyang cellphone.

Para patunayan ang kanyang sarili, ipinakita niya sa pulis ang video kung saan makikita ang isang batang babae habang nakikipagtalik.

Bunga nito’y ikinalaboso si Hinsch pero pinalaya rin noong Nobyembre 13 matapos maglagak ng $10,000 bond.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?