killer-with-a-knife

Lalaki nag-amok, pumatay ng 5 sa Zambo

Sharing is caring!

Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang lalaking nag-amok ang limang katao – apat dito ay mga bata, bago siya pinagbabaril ng mga pulis sa Sirawai, Zamboanga del Norte noong Sabado.

Ang suspek ay nakilalang si Asdal Untong.

Ayon sa report, armado ng machete ang suspek nang magwala ito ay pinagtataga ang maakasalubong nito. Apat sa mga napatay nito ay pawang mga bata, ayon kay Chief Supt. Billy Beltran, director ng Western Mindanao Police Regional Office.

Nangyari ang insidente sa isang quarry site sa Barangay Libucon.

Nakilala ang mga biktima na sina Majid Hali, 35; Nazer Hali, 10; Adzmar Hali, 7; Sayder Wahid, 11; at Mohammad Said Mukaram, 7.

Napatay naman ang suspek ng mga rumespondeng pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?