232
ABANTE-TNT NABALIAN BUTO RED CROSS NAZARENO
Jan 9, 2018 @ 16:44

Lalaki nabalian ng buto sa prusisyon ng Nazareno

Sa nagaganap na prusisyon ng Itim na Nazareno, tumaas ang bilang ng mga nasaktang deboto, ayon sa Philippine Red Cross (PRC).

Sa update ng PRC ng alas-tres ng hapon, nasa 726 ang kanilang nirespondehan, ilan sa mga ito ay nahilo dahil sa pagtaas ng presyon ng dugo at napilayan, habang 22 sa mga deboto ang isinugod sa ospital, isa sa mga ito ay nagtamo ng spinal cord injury nang mahulog sa itaas ng Andas ng Itim na Nazareno, ayon sa ulat.

May mga nagtamo rin ng sugat sa kanilang mga paa dulot ng mga natapakang bubog at barbeque stick dahil naglakad sila nang nakapaa sa 11 oras nang pag-usad ng prusisyon.

Ilang medical volunteers mula sa Metro Manila Development Authority, Department of Health at iba pang grupo ang nagbibigay ng paunang lunas sa mga nasaktan bukod sa PRC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?