37

By

Lalaki na ‘nangisda’ ng mga pusa, hinatulang guilty sa animal cruelty

Nahatulang may sala ang lalaking si Kenny Rowles ng animal cruelty dahil sa nilagay niyang mga hook sa pagkain ng mga pusa sa Luzerne County, Pennsylvania.

Pinalala ng 27-gulang na lalaki ang kanyang kasong kalupitan sa hayop dahil sa kanyang pagpapahirap sa mga pusa.

Ayon sa mga awtoridad na sinimulan nila ang imbestigasyon kay Rowles noong Abril matapos silang tumawag tungkol sa kaso.

Noong Abril 8, inulat ng The Society for the Prevention of Cruelty to Animals ang pagkahanap ng isang naliligaw na pusa na may fishhook sa bibig sa isang bakanteng bahay sa Plymouth.

Ginamot at nakaligtas ang pusa ngunit meron pa rin itong bakas na peklat sa kanyang bibig. Ayon sa Happy Hearts and Tails Safe Haven Animal Rescue, nagkaroon pa ng 2 ibang pusa na may parehas na kalagayan.

Nakatanggap ang humane officers galing sa Whiskers World Cat Rescue, at sinumbong nila na nang bibiktima si Rowles sa mga pusa at pinagyayabang pa ito sa mga kapitbahay.

Sa isang pakikipanayam sa mgNaglagay siya ng pira-pirasong karne sa fishhook at tinali sa string habang iniwan ito sa tapat ng kanyang bahay para pakainin at makipaglaro sa mga pa opisyal ng pulisya at animal welfare noong Abril 9, inangkin ni Rowles na ginamit niya ang bait na triple fishing hook at string upang pakainin ang mga pusa. May isang babae rin ang nagulat na nangingisda siya ng mga pusa galing sa pangalawang palapag ng kanyang bahay.

Isa sa mga nabiktima ay ang pusang si Tollie na na-rescue ng Happy Hearts and Tails Safe Haven Animal Rescue. Sinagawa ang operasyon ng pusa upang tanggalin ang triple prong fish hook sa Wilkes-Barre Animal Hospital. Isa ito sa 15 pusa na naiwan sa abandonadong bahay.

Sinabi ni Mandygra sa Times Leader ng Mayo: ”’The charges are very serious, it was very harmful to the cat. I’m thankful that the justice system will step in now and get justice for Tollie. The intent was a little bit concerning. Neglect is one thing but the intent to intentionally harm and knowingly, just like the law says, it’s concerning.”

Masesentensiyahan si Rowles ng December 2 sa Luzerne County courthouse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?