88

Mar 10, 2020 @ 18:36
By

Lalaki na binaril sa ulo, nagawa pang magmaneho pa-ospital

Parang walang nangyari sa isang lalaki matapos itong mabaril sa kanyang ulo noong Linggo.

Ayon sa report ng WLS-TV, nagmaneho ang isang 28-anyos na lalaki patungong ospital habang may bala sa kanyang ulo.

Nangyari ang insidente sa Chicago, USA, kung saan kritikal umano ang kondisyon ng lalaki matapos tingnan ng mga doktor.

Hindi naman tukoy ng mga awotridad kung saan nangyari ang pamamaril, ngunit pinaniniwalaan na isang milya ang tinakbo ng lalaki sakay ang kanyang kotse bago makapunta sa ospital.

Hindi naman batid kung aksidente ba ang nangyaring pagbaril dito lalo pa’t wala namang nadakip ang mga pulis kaugnay ng nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,