38

Apr 16, 2021 @ 19:06
By

Lalaki multa ng P6K sa pag-utot sa pulis

Isang “freedom of expression” ang pag-utot, ayon sa isang lalaki matapos niyang idulog sa korte ang pagpapamulta sa kanya dahil sa pag-utot sa harap ng mga pulis.

Ayon sa India Today report, pinagmulta ang isang lalaking taga-Vienna, Austria ng 500 euro o P29,000 dahil sa pag-utot noong Hunyo 2020.

Nakaupo raw noon sa park bench ang lalaki kasama ang kanyang mga kaibigan nang lapitan ng mga pulis para sa routine identity check.

Sa kalagitnaan ng routine identity check ay tumayo raw ang lalaki, tumingin sa mga pulis at nagpasabog ng malakas na utot.

Dahil dito, kinasuhan siya dahil sa public indecency at “proactively” farting.

Kinuwestiyon ito ng lalaki sa korte at iginiit na isang freedom of expression ang kanyang pag-utot at isang biological process.

Bunsod ng kalagayang pinansiyal ng lalaki at walang anumang criminal record ay mula sa 500 euro na multa ay ibinaba ito sa 100 euro o halos P6,000.

Sabi ng korte, sa kabila na tinatanggap ang utot bilang “form of communication”, ang hangin na ito ay isa pa ring “form of expression” na lampas sa mga hangganan ng kagandahang-asal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?