26

By

Lalaki limpak ang shopping bag kahit ‘wa pera

Sharing is caring!

Buking ang pagsa-shopping ng isang lalaki at kasabwat na dalawang babae matapos mamili ng mga mamahaling sports shirts at mahuling isinisilid sa loob ng shopping bag kasabay ng pagtakas ng dalawang kasabwat na babae sa isang mall sa Mandaluyong City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), naganap ang insidente bandang alas-2:30 ng Miyerkoles, Setyembre 12, sa loob ng Robinson’s Forum Department Store na matatagpuan sa Pioneer Corner Edsa, Barangay Barangka Ilaya, Mandaluyong City.

Nakilala ang suspek na si Mark Lester Pilar y Cabo, 23-anyos, walang trabaho at residente ng Pasig City habang nakatakas naman ang dalawang babaeng ‘ka-date’ umano at kasabwat nito.

Ayon sa salaysay ng nakasaksi na si April Salomon y Madera, sales clerk, napansin niya ang paghaharutan at kahina-hinakang kilos ng tatlong kustomer kaya hindi umano niya ito inalisan ng tingin.

Pagdating sa sports section ay nakita niyang isinisilid ng suspek ang pinamiling t-shirt sa loob ng Robinsons shopping bag kaya agad niyang inalerto ang on-duty civilian guard na si Ali S. Quirante at doon na inaresto ang suspek habang nakatakas naman ang dalawang babae na kasabwat nito.

Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na piraso ng assorted sports shirt na nagkakahalaga ng Php 8,997.75 at agad na dinala sa Mandaluyong police station para sampahan ng kasong theft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?