364

By

Lalaki kumakain ng buhay na daga, mga netizen nandiri

Halos masuka ang mga netizen sa viral video ng isang lalaki habang ginagawang pulutan ang buhay na daga.

Sa tweet ng netizen na si @ouisville, makikitang nakahain sa plato ang mga bagong panganak na daga habang sarap na sarap na nilalantakan ng lalaki.

Isa-isang nilalagay ng lalaki sa sawsawan saka kakainin ang bubwit habang umiinom siya ng alak.

Comment tuloy ng ilang netizen, kaya nagkaka-outbreak ng coronavirus sa China ay dahil sa kakaibang taste sa pagkain ng mga Chinese.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?