38

By

Lalaki kulong sa pangmamaltrato sa kambing

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos masentensyahan sa pangmamaltrato at pag-torture sa dalawang kambing noong 2008 sa Binanonan, Rizal.

Nag-ugat ang kaso matapos na magsampa ng reklamong animal abuse ang pamunuan ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa Binanonan Regional Trial Court laban kay Andres Paralejas, laborer ng Binangonan.

Base sa dokumentong isinampa ni PAWS Executive Director Anna Cabrera, may nakasaksi sa ginawang pang-aabuso ni Paralejas sa dalawang kambing kung saan pinagsasampal nito, sinipa at pinagsusuntok noong Oktubre 19, 2008 habang napag-alaman na buntis pa ang isang kambing na maagang napaanak dahil sa ginawa ng suspek.

Matapos ang pangmamaltrato ay dinala na lamang umano ang mga kambing sa slaughter house para katayin.

Mariing itinanggi ng suspek ang akusasyon laban sa kanya subalit hindi ito kinatigan ng korte dahil sa salaysay ng mga nakasaksi at nagreklamong tauhan ng PAWS.

Sinampahan ng kasong guilty of maltreatment of goats ang suspek na si Paralejas ni Presiding Judge George Andy Pantanosas na kasong paglabag sa Animal Welfare Act of 1998 at pinagbabayad ng P4,000.

Maliban sa kasong pang-aabuso, napag-alaman din ang pangmamaltrato ng suspek kung saan ay nakita rin na pinapakain ng bato ang mga kambing na ikinasawi ng isa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?